Masamang biro kasi! Airport sa Bicol naantala ng bomb threat

Naantala ang operasyon ng Bicol International Airport nang dahil sa umano'y bomb threat, kung saan 12 flight naman ang naapektuhan ng insidente.

Isang papel na may nakasulat na “bomb” ang natagpuan sa palikuran ng Bicol International Airport (BIA) nitong Lunes ng umaga, Oktubre 2, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Dahil dito ay naantala ang operasyon ng BIA at 12 flight ang naapektuhan, kabilang na ang Cebu Pacific (CEB) flight 5J 326 na may 130 passengers na hindi nakalipad.

Matatandaang niyanig kamakailang ng isang pagsabog ang parkin ng Ninoy Aquino International Airport sa Maynila naman.

Samantala, limang paparating na eroplano naman ang na-delay, samantalang limang paalis palang ang na-delay rin.

Isa namang Philippine Airlines flight ang pinabalik sa Manila matapos isara pansamantala ang runway ng BIA.

Nagbalik operasyon naman ang airport simula 1:35 ng hapon matapos ang masusing imbestigasyon at mga inspeksyon.