Mas maraming bansa susuporta sa ‘Pinas sa WPS issue dahil kay PBBM – Romualdez

Mas maraming bansa pa ang susuporta sa Pilipinas sa laban ng teritoryo sa West Philippine Sea, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez

Mas maraming bansa pa ang susuporta sa Pilipinas sa laban ng teritoryo sa West Philippine Sea, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez

Aniya, resulta ito ng pagbibigay mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 21st International Institute for Strategic Studies-Shangri-La Dialogue sa Singapore nitong Biyernes.

“As such, I expect more members of the international community to join the growing chorus calling for observance of the rule of law and diplomacy for dispute resolution,” sabi ni Romualdez.

Dagdag niya, naging malinaw si Marcos sa mithiin ng Pilipinas sa usapin sa WPS, at nakabase ang mithiing ito sa sinabi ng UNCLOS at sa desisyon ng 2016 Arbitral Award.

Dahil dito’y mas maraming bansa ang susuporta sa Pilipinas sa pwesto nito sa WPS at sa pagrespeto sa mga intertional laws.

“The President’s message is clear: the integrity of our maritime zones and our sovereignty must be respected. This is not only a legal right but a moral imperative. By adhering to international law, we can ensure that the West Philippine Sea remains a sea of peace, stability, and prosperity,” ani Romualdez.