Mas makati pa sa kuneho! Magsasaka, arestado sa kasong 39 counts of rape

Natigil lang ang pag-abuso sa biktima nang mag-asawa na ito, ayon sa mga awtoridad.

ALBAY- Arestado ang 47-anyos na magsasaka ng Barangay Bagatangki, Malinao, Albay dahil sa kasong 39 counts of rape sa sarili mismo nitong anak.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Blancaflor De Vera ng Regional Trial Court Branch 3 sa Lungsod ng Tabaco nitong Setyembre 26, 2023.

Ayon sa Hepe ng Malinao Municipal Police Station (MPS) na si Maj. Christian Brual, elementarya pa lamang ang biktima nang simulang halayin ng suspek at natigil lamang noong nag-asawa na ang biktima at wala na sa poder ng suspek.

Nabatid ding dati nang nakulong ang suspek dahil sa pamamaslang sa kanyang asawa ngunit nakalaya rin kinalaunan dahil sa kakulangan ng sapat na ebedinsya.

Tinuturing ding Rank 4 Regional Most Wanted Person at Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Malinao ang suspek at walang inirekomendang pyansa.

Aminado naman ang awtoridad na dumadami na ang kaso ng pang-aabuso sa kanilang bayan at karamihan nito ay galing sa malalayong barangay.