Mas mahalaga sila: PBBM, hindi na dadala sa COP28 dahil sa ‘important developments’ tungkol sa 17 Pilipinong hostage sa Red Sea

Una nang nangako ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin ng gobyerno ang lahat upang mailigtas ang 17 Pilipinong hostage, at patunay niyan ang hindi niya pagdalo sa COP28 dahil kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang sitwasyon.

Kinansela na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay kanyang pagdalo sa ika-28 Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai.

Ito ay dahil may mga mahahalagang kaganapang may kinalaman 17 Pilipino na hostage ngayon sa isang barko sa Red Sea.

“In light of important developments in the hostage situation involving 17 Filipino seafarers in the Red Sea, I have made the decision not to attend COP28 in Dubai tomorrow,” sabi ng pangulo sa kaniyang X (dating Twitter) account.

BASAHIN RIN: Biktima ang Pinoy: 17 Pilipino, kasama sa mga na-hostage sa isang cargo vessel

“Today, I will be convening a meeting to facilitate the dispatch of a high-level delegation to Tehran, Iran, with the aim of providing necessary assistance to our seafarers,” dagdag pa niya.

Una nang tiniyak ng pangulo na gagawing lahat ng kaniyang pamahalaan upang mailigtas ang mga Pilipino, na crew sa cargo vessel na Galaxy Leader.

Sinabi naman ni Marcos na pamumunuan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ang delegasyon ng Pilipinas sa COP28.

BASAHIN RIN: Makakauwing ligtas: Pamahalaan, ginagawa ang lahat para sa kaligtasan ng mga Pilipinong hostage sa barko—PBBM