Mas magandang ugnayan bawat komunidad! Farm-to-market roads, gawa na ang kahalati — PBBM

Una nang sinabi ng Pangulong Marcos na nais niya magpatayo ng mga kalsada sa buong bansa, lalo na sa mga lugar kung saan may aktibong agricultural production upang makatulong ito sa food self-sufficiency.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na 51% ng tapos ang proyekto nitong pagpapagawa ng mga farm-to-market roads sa buong bansa.

Ibig sabihin, may higit 67,000 kilometrong daan na ang nagagawa ng administrasyong Marcos sa isa at kahalating taon nito sa pwesto.

Target ng pamahalaan na makagawa ng 130,000 kilometro ng farm–to-market roads sa ilalim ng “Build, Better, More” infrastructure program nito, paliwanag ng Pangulong Marcos.

“Katumbas ito na para tayong pabalik-balik mula Aparri hanggang Jolo ng 32 times, kaya’t mahaba-haba po ito,” saad ni Marcos sa isang video message sa kaniyang mga social media account.

Aniya, pagdudugtungin nito ang mga komunidad sa bansa at magiging susi sa pagpapaunlad ng sa sector ng agrikultura.

“It is a testament to the magnitude of the accomplishment of the government. It is not an initiative only to do with agriculture. It is a connection between all the different communities,” paliwanag ng pangulo. “But, of course, its main purpose is to connect the markets and the producers, sa ating mga agricultural sectors lalo.”

Una nang sinabi ni Marcos na nais niya magpatayo ng mga kalsada sa buong bansa, lalo na sa mga lugar kung saan may aktibong agricultural production upang makatulong ito sa food self-sufficiency.