Mas madali na: BIR mas pinadali ang proseso sa estate tax

Mas pinadali na at pinasimple ng BIR ang filing ng estate tax nang repasuhin nito ang Estate Tax Amnesty Law.

Pinaalaala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang mga kaanak ng mga namatay na indibidwal ay maaaring makinabang mula sa estate tax amnesty program ng ahensya. Maaari rin silang maprotektahan laban sa mga kasong kriminal, sibil, at administratibo na kaugnay late estate tax filings and payments ayon na rin sa Tax Code.

Tiniyak naman ito ng mga revenue regional directors at district officers ng BIR patapos ilabas na ahensya ang Revenue Regulations No. 10-2023 na ganap na magpapatupad sa nirepasong Estate Tax Amnesty Law.

Gayunpaman, binalaan ng BIR na mapapatawan ng mga penalties, interest, at surcharges at mga indibidwal na magbibigay ng fraudulent returns or mga mapanlinlang na dokumento. Sila rin ay makakasuhan sa ilalim ng batas.

Nilinaw rin ng BIR na layon ng updated guidelines na gawing mas simple ang pag-file ng estate tax returns at bawasan ang mga kailangang dokumento.

Sa ilalim ng bagong amnesty, kailangan na lamang i-submit ang mga sumusunod: certified true copy ng death certificate o certificate of no record of death mula sa Philippine Statistics Authority, Taxpayer Identification Number ng namatay at nang tagapagmana nito, isang government-issued ID ng tagapagmana o ng estate administrator.