Marumi ‘yan! Lacuna inawat mga nagtatampisaw sa Baseco, Dolomite beach

Nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna na hindi ligtas na maligo sa Baseco at Dolomite beach.

Nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna na hindi ligtas na maligo sa Baseco at Dolomite beach.

Ani Lacuna, mataas pa rin ang coliform level sa dalawang nabanggit na beach, kaya’t delikado ang mga ito sa kalusugan.

“To our compatriots who are feeling the heat lately, we are strictly reminding you that you are not allowed to swim at the Dolomite and Baseco beaches,” saad ni Lacuna.

“Because while the [fecal] coliform levels have gone down in those areas, it is still not safe to swim in them,” dagdag pa ng alkalde.

“There are also still occasions when, due to the waves, some garbage is being washed ashore on those beaches. So we hope that you no longer attempt to swim at the Dolomite and Baseco beaches,” paliwanag pa niya.

Marami sa mga residente ang nagtya-tyaga na maligo sa Baseco at Dolomite beach upang maibsan ang matinding init.