Martin Nieverra haharanahin healthcare workers sa Konsyerto sa Palasyo

Makakasama ng mga healthcare workers si concert king Martin Nieverra ngayong gabi, Hunyo 30 sa ikaapat na pasada ng Konsyerto sa Palasyo.

Makakasama ng mga healthcare workers si concert king Martin Nieverra ngayong gabi, Hunyo 30 sa ikaapat na pasada ng Konsyerto sa Palasyo.

Handog ng Malacañang, gaganapin ang pagdiriwang sa Palasyo simula 6:30 ng gabi habang naka-live telecast sa Facebook page ng Radio Television Malacañang at ng Konsyerto sa Palasyo.

Kasama ni Nieverra ang Ayta brothers Arjohn Gilbert and Jayson Narciso at iba pang mga local artists sa magtatanghal sa programa.

Unang inilunsad ang Konsyerto sa Palasyo noong 2023 kung saan pinangaralan ang mga sundalong Pilipino (Abril 2023), atletang Pinoy (Agosto 2023), at mga guro (Oktubre 2023).

Layunin din ng programa na bigyang kulay ang mga bagong mukha ng tanghalang sining sa bansa.