Marketing strat, magsayang ng pagkain? Cellphone pinangdikdik ng prutas

Tila sobrang desperado na ng isang cellphone company na maibenta ang kanilang produkto nang gumamit sila ng kakaibang paraan para maipakita ang tibay ng kanilang gadget.

Tila sobrang desperado na ng isang cellphone company na maibenta ang kanilang produkto nang gumamit sila ng kakaibang paraan para maipakita ang tibay ng kanilang gadget.

Ibinahagi ng X (dating Twitter) user na si @hiram_ryu ang video kung saan makikita na pinang-dikdik ng prutas ang isang cellphone.

Base sa video, ginawa ito sa tindahan mismo ng gadget. Mapapansin na may programa sa tindahan para i-endorse ang cellphone. Nahagip din ng kumuha ng video na ang brand na ibinebenta ay Honor X9b.

Sa video, isang babae ang ginamit ang cell phone para dikdikin ang mani, mansanas, at isang pakwan. Maririnig din sa video ang isang host na nagsabi ng ‘smash’ bago sinimulan ng babae ang pagdurog sa mga prutas.

Habang tuwang-tuwa ang mga nasa video, hindi naman bumenta ang kanilang pakulo sa mga netizen.

“Perhaps it’s just me, pero hindi ako natuwa sa marketing strategy nila. Maraming nagugutom at walang makain, sinayang ‘yong fruits just to prove na matibay ‘yong binibenta nilang mobile phone,” saad ni @hiram_ryu sa kanyang post.

Ito naman ang ilan sa mga komento:

“Daming nagugutom pero inaaksaya lang nila ang pagkain, kung gusto nila ipakita ang durability dapat bato ang ipinukpok o kaya martilyo o sana pinasagasaan nalang yung phone.”

“Kung sa ulo kaya ni ate i test?”

“Dapat sana yung pinaghahampas niya sa halip na pagkain, bato na lang or marmol para mapatunayan ang tibay ng gadget.”

“Ang Tanga naman ng marketing strategy nila. Di ata tama. Matibay ang phone nila, then? Ganiyan ba ang tamang pag gamit ng phone? I try kaya nila pukpukin sa ulo ni ate, para ma test ano mas matibay, kung ulo or phone na yan.”

“Aksayado sa pagkain naghihirap yung mga nagtatanim at madaming nagugutom tapos ganyan lng yan para sa inyo apakatalino nman talaga boycott yang cp na yan na ko.”

https://x.com/hiram_ryu/status/1768062829016596824?s=46&t=daRGogMg-sSr5L5AN0hI5w