Markahan na ang kalendaryo dahil siguradong trapik ‘yan: MMFF 2023 ‘Parade of the Stars,’ iikot sa CAMANAVA

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin ang Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa piling bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) sa Disyembre 16 dahil sa gaganaping “Parade of Stars” para sa ika-49 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“This year’s Parade of Stars will traverse four cities as we want more people to have a glimpse of the casts of the 10 MMFF entries,” paliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairperson at MMFF overall chair Don Artes.

Kanya naman isasara ng MMDA ang piling mga daan sa CAMANAVA at magpapatupad ng counterflow measures upang maibsan ang inaasahan trapik na idudulot ng tradisyunal na parade.

“With the expected influx of spectators and movie fans, we have prepared a traffic management plan to mitigate the effects on vehicular flow,” pagtitiyak ni Artes.

Partikular na maaapektuhan ng Parade of Stars ang mga sumusunod na daan:

• C-4 Road (mula Navotas Centennial Park hanggang A Mabini St.)

• Samson Road (mula A. Mabini St. hanggang Monumento Circle)

• Mc Arthur Highway (mula Monumento Circle hanggang C. Santos Street)

Bubuksan lamang ang mga nasabing kalsada pagkatapos makaraan ang lahat ng float na kasali.

Isasara ang mga daan simula 12:00 p.m at inaasahang matatapos ang parada ng 8:00 p.m.