Mark Villar sigaw hustisya para kay Killua

Kinondena ni Senador Mark Villar ang nangyaring pagpatay sa isang golden retriever na si Killua.

Kinondena ni Senador Mark Villar ang nangyaring pagpatay sa isang golden retriever na si Killua.

Sa Facebook post ni Villar, sinabi nitong bilang isang fur parent ay nasasaktan siya sa mga hayop na nakakaranas ng animal abuse mula sa ibang tao.

“Marami na po tayong nakikita na mga kaso ng animal abuse, particularly against stray animals. Apart from not receiving sufficient care, the constant abuse they receive takes a toll on their overall well-being,” saad ni Villar.

Kaya naman nanawagan ito na maibigay ang hustisya para kay Killua.

Tinawagang pansin din ni Villar ang mga katulad niyang animal advocate na magtulungan para mapagtibay ang batas para sa welfare ng mga hayop.

“Our fur friends cannot speak for themselves, but we can speak up for them. Let us all stand together against animal cruelty and abuse,” saad ni Villar.

Ang #JusticeForKillua ay nag-trend matapos na i-post ni Vina Rachelle, amo ni Killua, ang video kung saan makikitang hinahabol ito ng kapitbahay na pumatay sa aso.

Ayon kay Vina, may kausap na sila mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para makamit ang hustisya para kay Killua.