Marine life, corals patay sa Escoda Shoal; environmental damage case, ikakasa vs China

Tinitingnan ng pamahalaanang posibleng pagsampa ng kasong environmental damage kontra China kung makakakuha ng sapat na ebidensya hinggil sa land reclamation nito sa West Philippine Sea.

Tinitingnan ng pamahalaanang posibleng pagsampa ng kasong environmental damage kontra China kung makakakuha ng sapat na ebidensya hinggil sa land reclamation nito sa West Philippine Sea.

Ayon sa isinagawang two-day scientific mission ni Dr. Jonathan Anticamara ng UP Institute of Biology kasama ang Philippine Coast Guard, nakitaan nila ng “excessive” damage ang mga coral reefs sa Sabina o Escoda Shoal sa WPS na maaaring sanhi ng naging land reclamation ng China doon.

“So, ang nangyari sa Sabina ngayon ay medyo disastrous kasi marami sa mga foundation na species tawag natin corals or habitat-forming species are completely dead sa mga shallow waters,” sabi ni Anticamara.

Dagdag niya, maaaring sanhi rin ng natural causes ang pagkasira ng mga marine life doon kaya’t kailangan na magkaroon ng monitoring sa lugar upang makalikom ng mga ebidensya at masabing dahilan ito ng land reclamation ng China.

“I think na ang pinakamahalaga para sa akin ay talagang i-monitor natin ito. Bantayan natin at manmanan, kasi nga ang dami nating hindi alam, to be able to establish iyong kung ano nangyari, anong katotohanan,” aniya.

“So, therefore, kung gusto natin maging 100 percent sure tayo, kailangan natin ng maraming ebidensiya. Kailangan natin mag-monitor, magmanman,” saad pa niya.