Marian pinag-ingles ng pageant candidate

“Can I get english please?”

“Can I get english please?”

Kung kadalasang pinapasalin sa Tagalog ang tanong ng judge sa mga contest, ang isang contestant naman ng Century Tuna Superbods 2024 na si Jether Palomo gustong i-translate sa English ang tanong sa kanya.

Trending ngayon sa social media ang video clip ng aktres na si Marian Rivera matapos nyang pagbigyan ang hiling ni Palomo na i-translate sa english ang kanyang tanong.

“Here’s my question. Dumami ang followers mo sa social media nung naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang competition na ‘to?” tanong ni Marian sa contestant.

“I’m sorry. Can I get english please?” sagot naman ni Jether.

“I will try my best. Are you ready for this? Listen very carefully,” wika ni Marian.

“Here’s my question. Your social media following grew when you become a finalist. How would you use this opportunity even after your Superbod journey?”

Hiniritan pa ito ng aktres ng “I think you understand that,”.

React naman dito ng ilang netizen:

*Be a Marian Rivera in this World full of Robin Padilla waahahahah pgt throwback be like”

“Parang si Marian yung na-challenge 😂😆”

“Kung ako kahit alam kong mag English di ko itatranslate ‘yan. Bahala s’yang mahirapang umintindi. Nasa Pinas s’ya, s’ya mag adjust.”

Samantala, si Jether rin ang naging grand winner ng naturang kompetisyon.

PANOORIN: