Marian napa-react! Zeinab pamatay kaseksihan, nagbihis ‘Marimar’

Napabilib si Marian Rivera sa video ni Zeinab Harake kung saan nag-transform siya bilang 'Marimar'!

Napabilib si Marian Rivera sa video ni Zeinab Harake kung saan nag-transform siya bilang ‘Marimar’!

Sa Instagram post ni Zeinab, binida ni social media influencer ang kanyang kaseksihan suot ang outfit na gaya sa iconic role ni Marian.

“Marimar trend. Palagi kang magiging inspirasyon My idol Marian Rivera,” sey ni Zeinab.

Pinuno naman ni Marian ng heart eyes emoji ang comment section ni Zeinab.

Maging ang ibang sexy influencer tulad nina Ivana Alawi at Mika Salamanca ay nabighani sa paandar ni Zeinab.

Tatlong heart emoji ang comment ni Ivana, habang si Mika ay pampa-good vibes ang video ni Zeinab.

“Binalikan ko ito ngayong umaga para good ang morning ko,” react ni Mika.