Marcos walang balak tapatan water cannon ng China

Kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ideya na lagyan din ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas para makapalag sa pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ideya na lagyan din ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas para makapalag sa pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Sa panayam kay Marcos nitong Lunes, sinabi nito na wala sa intensyon ng bansa na umatake laban sa China.

“We have no intention of attacking anyone with water cannons or any other such offensive, I would have to call them weapon kasi nakaka-damage na,” saad ni Marcos.

“That is not something that’s in the plan. The last thing we would like is to raise the tensions in the West Philippine Sea,” aniya pa.

Lahad ni Marcos, iniiwasan ng administrasyon na lalong lumala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito’y sa kabila ng sunod-sunod na pag-atake ng China sa mga Philippine vessel sa pamamagitan ng pambobomba gamit ang water cannon.

“We will not follow the Chinese Coast Guard and the Chinese vessels down that road because it’s simply, it is not the mission of our Navy, our Coast Guard to start or increase tensions,” lahad ng Pangulo.

Matatandaan na suhestiyon ni Senador Koko Pimentel na lagyan din ng water cannon ang mga barko ng Pilipinas para makapalag sa ginagawang pambu-bully ng China sa WPS.