Marcos tangka maging numero uno ‘Pinas sa coconut export

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaya ng bansa na maging nangungunang tagapag-angkat ng niyog sa buong mundo.

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaya ng bansa na maging nangungunang tagapag-angkat ng niyog sa buong mundo.

Sa kanyang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) nitong Miyerkoles, inihayag ni Marcos ang kanyang buong suporta sa proyekto ng Philippine Coconut Authority (PCA) na makapag-tanim ng 100 milyon na puno ng niyog hanggang 2028.

“This is really a great opportunity for the country. We have a chance to do it because [of] the market. Every single part of the nut [has] use and can be sold,” pahayag ng pangulo.

Tiniyak rin ni Marcos na maglalaan ang pamahalaan ng sapat na pondo upang tulungan ang PCA na matapos ang kanilang proyekto.

Nagpahayag din ng suporta sa programa ng PCA ang PCAC, kung saan inirekomenda nito ang paggamit ng asin bilang pataba ng mga itatanim na puno ng niyog.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay ikalawa sa buong mundo pagdating sa pag-aangkat ng niyog, sa likod ng bansang Indonesia.