Marcos sa mga tanggapan ng gobyerno: Magtipid ng kuryente!

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tanggapan ng pamahalaan na manguna sa pagtitipid ng kuryente.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tanggapan ng pamahalaan na manguna sa pagtitipid ng kuryente.

Ito’y sa gitna ng kakapusan ng suplay ng kuryente na nararanasan ng bansa sa kasalukuyan, kung saan ang Luzon at Visayas grid ay isinailalim sa yellow at red alert status ngayong Martes.

“In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of Energy to closely monitor and coordinate with all stakeholders to address the situation,” wika ng pangulo sa kanyang social media post.

“I have also directed all government offices to set the standard in conserving energy and minimizing power consumption,” dugtong pa niya.

“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” dagdag pa ni Marcos.

Sa red alert status, ang power supply ay hindi kasya para sa demand ng mga konsyumer at sa regulating requirement ng transmisison grid.

Sa yellow alert naman, ang operating margin ay hindi sapat sa contingency requirement ng transmission grid.