Marcos sa mga rebelde: Bumaba ng bundok, bumalik sa lipunan

Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ipagpatuloy ang pangungumbinsi sa mga rebelde na isuko na ang kanilang mga armas.

Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ipagpatuloy ang pangungumbinsi sa mga rebelde na isuko na ang kanilang mga armas.

Sa kanyang pagdalo sa isang programa sa Basilan nitong Sabado, inihayag ng pangulo ang pagtitiyak na magpapatuloy ang programa ng kanyang administrasyon para magbalik-loob sa pamahalaan ang mga rebelde.

“We are still ongoing in the process and we are still trying to bring those who are still fighters to come down from the mountains and to join society,” anang pangulo.

Ayon kay Marcos, nakahanda ang pamahalaan na tulungan ang mga rebelde na magsimula ng bagong buhay.

“We will continue to support everything that they need in terms of housing, in terms of livelihood, in terms of schools, in terms of infrastructure. And that’s the role that we will play,” dagdag pa ng pangulo.