Marcos sa mga Pinoy: Ipaglaban ang bansa, maging bagong Lapulapu!

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na tularan ang ipinakitang kabayanihan ni Lapulapu sa makabagong panahon.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na tularan ang ipinakitang kabayanihan ni Lapulapu sa makabagong panahon.

Ngayong Sabado, Abril 27, ay ginunita sa Mactan, Cebu ang ika-503 taon ng tagumpay ni Lapulapu laban sa pwersa ni Ferdinand Magellan.

Pinangunahan ni Marcos ang naturang seremonya.

“The challenge now for all, especially the youth, is to continue embracing his [Lapulapu] ideals and the wealth of our heritage as we realize a ‘Bagong Pilipinas’ that is built on the foundations of the liberty and freedom that he and all our other heroes fought hard for,” saad ng pangulo.

Paliwanag ni Marcos, wala mang mananakop ngayon sa bansa, ang mga kalaban na kailangang pagtagumpayan ng mga Pinoy ay ang kasakiman, pagiging makasarili, at pagkakawatak-watak.

“The same is what the nation needs today. Despite being in a world incomparable to that of Lapulapu, we are called to rise against our modern-day oppressors – greed, selfishness, and divisiveness – and uphold the legacy of patriotism that has been passed onto us through the years,” aniya.

“The image of Lapulapu as a living, breathing, and real figure who risked his life to keep his family, comrades, and community safe from hostile outsiders may seem strange to our modern responsibilities. Yet, he remains a symbol of the bravery and honor that each of us inherently possesses,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Marcos na ang pagiging makabayan ay hindi lamang naipapakita sa pagsali sa militar. Sa halip, ang kailangan ay katapangan, pagkilos, at pagkakaisa.