Marcos: Relief efforts para sa Aghon victims, siguruhin!

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno na bigyang suporta ang mga biktima at iba pang apektado ng bagyong Aghon.

Ayon kay Pangulong Marcos, naghanda ang pamahalaan ng 841 na mga search and rescue team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP); at 456 na transportation asset at 436 na mga kagamitan para sa emergency telecommunications.

Nakahanda rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) para sa mga nasirang imprastraktura dulot ng bagyong Aghon.

“Patuloy naman ang ating gagawin at hindi natin titigilan ito siyempre hanggang matapos ang ating pagtulong sa mga nasalanta, sa mga naging biktima dito sa ating mga area na tinamaan ng Aghon​,” sabi ni Marcos.

Sa kasalukuyan, may naitala ng isang nasawi habang mahigit 36,000 indibidwal ang nasalanta ni bagyong Aghon mula sa timog Luzon.