Marcos pinalagan banta ng China na panghuhuli sa ‘trespassers’ sa SCS

Inalmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang polisiyang ipinatupad ng gobyerno ng Tsina na hulihin ang sinumang papasok sa South China Sea na kinabibilangan ng economic exclusive zone o EEZ ng Pilipinas.

“That kind of action would be completely unacceptable to the Philippines,” sabi ni Pangulong Marcos.

Dagdag niya, handa ang Pilipinas na pumalag sa polisiyang ito at protektahan ang sambayang Pilipino.

“I do not talk about the operational details so leave it to us. But the position that we take is that, that is unacceptable and we will take whatever measures to always protect our citizens,” he added.

Matatandaang hinaras ng Chinese coast guard ang Atin Ito Coalition nang maglayag ito patungong Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.