Marcos pasok sa 2024 Most Influential People ng TIME

Swak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa '100 Most Influential People ng TIME magazine ngayong 2024.

Swak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ‘100 Most Influential People ng TIME magazine ngayong 2024.

Kinilala ng TIME ang effort ni Marcos para maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang COVID-19 pandemic.

Bukod pa diyan, pinunto rin ang pag-elevate ni Marcos sa Pilipinas sa world stage.

Isa rin sa kinabiliban kay Marcos ay ang paninindigan nito laban sa China patungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,” ayon sa TIME.

Matatandaan na taong 2017 ay napasama rin sa most influential person si former President Rodrigo Duterte, at 2013 ay kabilang din si Noynoy Aquino.