Marcos nangakong tututukan problema sa kuryente sa Occidental Mindoro

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya pababayaan ang mga taga-Occidental Mindoro, na namomroblema sa suplay ng kuryente.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya pababayaan ang mga taga-Occidental Mindoro, na namomroblema sa suplay ng kuryente.

“We’ll talk about the electricity problem, that’s a long-term problem that we really have to solve. Mahal na ngayon. We are connecting you to the other provinces para immediately bababa ‘yan,” pahayag ng pangulo ngayong Martes.

Ayon kay Occidental Mindoro Vice Governor Anecita Diana Tayag, pinalala ng El NiƱo ang problema nila sa suplay ng elektrisidad.

“Kami po ay nasa state of power crisis, napakamahal po ng presyo ng kuryente namin,” aniya.

Humingi na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng lalawigan sa Energy Regulatory Comission (ERC) hinggil sa kanilang suliranin.

Abril ng nakaraang taon ay idineklara ang state of calamity sa lalawigan dahil sa krisis sa kuryente, kung saan umaabot sa hanggang 20 oras ang brownout sa lugar.