Marcos nanagawan ng pagkakaisa sa Eid’l Fitr

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paggunita sa Eid'l Fitr ay makakatulong upang magkaroon ng pagkakaisa sa bansa.

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paggunita sa Eid’l Fitr ay makakatulong upang magkaroon ng pagkakaisa sa bansa.

Sa kanyang mensahe nitong Miyerkoles, nakiisa si Marcos sa mga Pilipinong Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o ang pagtatapos ng Ramadan.

“Truly, the Festival of Breaking the Fast marks not only the culmination of Ramadan, but also the rededication of one’s journey towards a more disciplined, dignified, and gracious life,” anang pangulo.

“As you take to heart the insights from your devotion, may you become shining examples of humility, peace, and strength among our people as they overcome challenges and nurture their trust in the Almighty,” dugtong pa niya.

Bukod pa rito, nanawagan si Marcos sa mga Pilipino na magrespetuhan ng paniniwala at ipalaganap ang pagkakaisa.

“It is also my sincere hope that, despite our diversity in beliefs and philosophies, we will remain united by our shared aspiration for a more progressive and resilient nation moving forward,” aniya.

“Let us strive to forge a society where love prevails over indifference, where faith outshines fear, and where oneness conquers division and discord,” dagdag pa ng pangulo.

Nasa pitong milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas, na tinaguriang nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya.