Marcos nakiramay sa naulila ng 2 seaman na napatay sa Yemen

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga naulila ng dalawang Pinoy seafarer na napatay sa missile attack ng rebeldeng grupo na Houthi sa Yemen kamakailan.

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga naulila ng dalawang Pinoy seafarer na napatay sa missile attack ng rebeldeng grupo na Houthi sa Yemen kamakailan.

Isang missile attack ang pinakawalan ng mga rebelde sa barkong True Confidence na may sakay na 20 crew, kung saan 15 ang Pilipino. Dalawa sa mga Pinoy ang nasawi.

“I join the nation in offering our deepest sympathies to the families of the two Filipino seafarers who perished in the Houthi attack on True Confidence,” saad sa post ni Marcos sa X (dating Twitter) ngayong Linggo.

“The government is in constant contact with their families, and we will spare no effort in bringing their remains home,” pagtitiyak ni Marcos.

Bukod pa rito, ibinahagi ng pangulo na ligtas na ang 13 pang Pinoy na sakay ng True Confidence.

“The 13 surviving Filipino seafarers, including the three who were injured during the attack, are now safely in Djibouti and are being assisted by our Embassy in Cairo to return safely home as soon as possible,” dagdag pa ng pangulo.

“The Philippines joins global calls for the end to this conflict and for full respect for the principle of freedom of navigation,” aniya pa. “We remain firmly committed to the safety and welfare of our seafarers and overseas Filipino workers in the region.”

Inatasan din ni Marcos ang Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development na asikasuhin ang mga nakaligtas na seaman at ang kani-kanilang mga pamilya.