Marcos nagtaka rin kay Alice Guo: Saan nanggaling ito?

Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kinuwestiyon din ang tungkol sa background ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kinuwestiyon din ang tungkol sa background ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Marcos, kilala niya ang lahat ng politiko sa Tarlac pero hindi niya naririnig si Guo.

“Kilala ko lahat ng mga tiga-Tarlac na politiko, walang may kilala sa kanya. Kaya nagtataka kami kung saan nanggaling ito? Bakit ganito ito? Hindi namin malaman,” saad ni Marcos sa isang panayam sa Cagayan de Oro.

Kaya naman pabor si Marcos na maimbestigahan si Guo para malaman na ang misteryong bumabalot tungkol sa citizenship ng alkalde.

“Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati siguro may magku-kuwestiyon na ng kanyang citizenship,” ayon kay Marcos.

Si Guo ay iniimbestigahan sa Senado dahil sa umano’y kagunayan nito sa Philippine offshore gaming operator (POGO) na nakapasok sa Bamban.

Sa pagdinig sa Senado ay tinanggi ni Guo ang kanyang kaugnayan sa POGO, ngunit naging kuwestiyonable ang background nito dahil nalantad na wala itong school at birth record.