Marcos nagbigay-pugay sa mga manggagawa ngayong Labor Day

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga manggagawa sa bansa ngayong Miyerkoles, Mayo 1.

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ng mga manggagawa sa bansa ngayong Miyerkoles, Mayo 1.

Sa kanyang mensahe ngayong Labor Day, pinuri ng pangulo ang kahalagahan ng papel ng mga manggagawa sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

“From the bustling cities to the remote fields in the countryside, it is the labor of the Filipino that propels us forward, fueling our economy and sustaining the very fabric of our society,” saad ni Marcos.

“On this special day, we recognize the invaluable contributions of our hardworking men and women whose grit and resilience have paved the way for our national development. We also pay homage to all the people who raised their voices in the pursuit of social justice, championing the rights of workers and ensuring that their efforts are duly valued and compensated,” wika pa niya.

Tiniyak din ni Marcos na ang kanyang administrasyon ay hindi lilimot sa mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

“Indeed, under the banner of a Bagong Pilipinas, we will usher in an era of greater prosperity where opportunities abound, creating a society where every worker is cherished, respected, and empowered to thrive,” dagdag pa ng pangulo.

Ngayong Miyerkoles ay inaasahang pararangalan ni Marcos ang ilang huwarang manggagawa sa bansa sa Malacañang.