Marcos nagbabala: ‘Pinas reresbak sa China

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi hahayaan ng kanyang administrasyon na magpatuloy ang walang habas na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi hahayaan ng kanyang administrasyon na magpatuloy ang walang habas na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) nitong Huwebes, inilahad ng pangulo na nagkaroon ng konsultasyon ang mga opisyal ng bansa na may kaugnayan sa pambansang seguridad.

Bukod pa rito, nakipag-usap din umano siya sa mga lider ng mga bansang kaalyado ng Pilipinas.

“They have offered to help us on what the Philippines requires to protect and secure our Sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction while ensuring peace and stability in the Indo-pacific,” saad ni Marcos. “I have given them our requirements and we have been assured that they will be addressed.”

Kaya naman, inanunsyo ni Marcos na sa mga susunod na mga linggo ay kikilos na ang bansa laban sa pangha-harass ng China.

“Over the succeeding weeks there shall be, implemented by the relevant national government agencies and instrumentalities, a response and countermeasure package that is proportionate, deliberate, and reasonable in the face of the open, unabating, and illegal, coercive, aggressive, and dangerous attacks by agents of the China Coast Guard and the Chinese Maritime Militia,” anang pangulo.

Paglilinaw ni Marcos, ‘di naghahanap ng gulo ang kanyang administrasyon, ngunit hindi rin naman daw ito mananahimik sa gitna ng paghahari-harian ng China sa WPS.

“We seek no conflict with any nation, more so nations that purport and claim to be our friends but we will not be cowed into silence, submission, or subservience,” dagdag pa niya. ” Filipinos do not yield.”