Marcos, kinondena Maguindanao ambush; naulila ng mga nasawing sundalo aayudahan

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pananambang sa mga sundalo sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng apat na sundalo.

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pananambang sa mga sundalo sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng apat na sundalo.

Sa kanyang X (Twitter) account, sinabi ng Pangulo na lalo lamang lalakas ang determinasyon ng pamahalaan na wakasan ang terorismo sa bansa.

“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguindanao del Sur on March 17,” ani Marcos.

“This despicable act only to strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and our entire nation,” dagdag pa niya.

Ipinag-utos din ni Marcos ang paghahatid ng agrang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Base sa ulat, pabalik na ng kampo ang mga miyembro ng 601st Infantry Brigade matapos bumili ng supplies nang tambangan sila ng mga hinihinalang Dawlah Islamiya members Linggo ng umaga sa Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao del Sur.

Samantala, nangako naman si Armed Forces of the Philippines Chief od Staff Romeo Brawner Jr. na tutugisin nila ang mga nasa likod ng pag-atake.