Marcos kinilabutan sa ‘gentleman’s deal’ ni Duterte, China

Tumayo ang balahibo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kanyang mabalitaan ang tungkol sa 'di umano'y 'gentleman's agreement' sa pagitan ni ex-Pres. Rodrigo Duterte at ng China.

Tumayo ang balahibo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kanyang mabalitaan ang tungkol sa ‘di umano’y ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni ex-Pres. Rodrigo Duterte at ng China.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Marcos kaugnay ng kasunduan ngayong Miyerkoles.

“I am horrified at the idea that we have compromised through a secret agreement the territory, sovereignty, and sovereign rights of the Philippines,” aniya.

Saad ni Marcos, walang tala o dokumento na naibigay sa kanya tungkol sa kasunduan noong maupo siya sa pwesto taong 2022.

“We don’t know anything about it. There was no documentation, there was no record. We were not briefed about when I came into office, walang nagsabi sa amin na merong ganong usapan,” dugtong pa niya.

Matatandaang ang dating tagapagsalita ni ex-president Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque ang nagbunyag tungkol sa kasunduan. Aniya, nagkasundo si Duterte at ang China na walang magtatayo o mag-aayos ng anumang istruktura sa West Philippine Sea.

Samantala, ipapatawag umano ni Marcos si Chinese Ambassador Huang Xilian upang mabigyang-linaw ang kasunduan.

“Siguro pagbalik na. Ipaliwanag niya, sino ba ang kausap mo, sino ba talaga, anong pinag-agreehan nyo. Was it an official thing or personal thing. Walang record kahit saan ka tumingin, so sikretong ginawa lahat ito. Bakit nila ginawa? Nakakapagtaka. Kaya it’s not a good situation,” dagdag pa ng pangulo.