Marcos kay Teves: Walang banta sa buhay mo!

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi manganganib ang buhay ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi manganganib ang buhay ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Saad ng Pangulo, wala silang natatanggap na report patungkol sa banta umano kay Teves kapag umuwi ito ng Pilipinas.

“Wala naman kami, sa lahat ng mga sinasabi ni Teves na takot siya sa buhay niya,” ayon kay Marcos.

“Wala kaming report na ganun. Walang nagbabanta sa buhay niya,” aniya pa.

Matatandaan na noong March 21 ay kinumpirma ng Department of Justice na nadakip na si Teves sa isang golf range.

Ito’y may kaugnayan sa kaso ng pag-murder kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas si Teves matapos ma-extend ng 15 days ang pananatili nito sa Timor Leste habang nililitis ang kaso nito, ayon sa abogado nitong si Atty. Ferdie Topacio.