Marcos inimbitahang bumisita sa India

Inimbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India para sa isang state visit.

Inimbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa India para sa isang state visit.

Ang imbitasyon ay inihatid ni Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar kay Marcos nitong Martes.

“Prime Minister (Narendra) Modi looks forward to welcoming Marcos in India for a state visit,” saad ni Jaishankar sa gitna ng kanyang courtesy call sa pangulo.

Ayon naman sa Presidential Communications Office, malugod na tinanggap ni Marcos ang imbitasyon.

Dagdag pa ni Jaishankar, mas mainam kung bibisita si Marcos sa anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at India.

Samantala, nagpasalamat naman ang pangulo sa 295,000 metriko tonelada ng bigas na in-export ng India sa Pilipinas.

“I’d like to thank you, and please extend my gratitude to your Prime Minister (Narendra Modi) for the timely provision of imported rice that we bought from India. The very critical… a very crucial time since we are in the right now suffering the effects [of] drought,” wika ng pangulo.