Marcos inaprub $35-bilyon pondo para sa ‘wish list’ ng AFP

Dire-diretso na ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang $35 bilyon na pondo para sa 'wish list' ng militar.

Dire-diretso na ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang $35 bilyon na pondo para sa ‘wish list’ ng militar.

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, ang naturang pondo ay nakalaan para sa 10 taon. Malaking bahagi umano ng naturang halaga ay gagamitin para sa Philippine Navy.

“As to the proportion, I would say that the larger chunk goes to the Navy, and then the Air Force, and then the Army, and then the General Headquarters. Because the thrust now is already external. It says there that there are different capabilities that will allow the Philippine Navy to fight across a broad spectrum of warfare,” saad ni Trinidad.

“So our ships or our capabilities, including those on land, should have the capability to fight in the air, on land, on surface, at sea and sub-surface undersea, and of course in the electronic spectrum,” aniya.

“The details of this are with the Department of National Defense and they will determine which will be prioritized, where and how will it be acquired and how it will be developed. Will it be bought? Will it be manufactured locally, so that the local labor force can be utilized and the money will be spent here? So we are thankful that the AFP is fully supported,” dagdag pa niya.

Hindi pa naman tukoy ni Trinidad kung isasabay na sa nabanggit na pondo ang pagbili ng submarine, bagamat may submarine group na ang Navy.

Sumakto naman ang pag-apruba sa pondo sa umiigting na tensyon sa West Philippine Sea.