Marcos hindi kaaway tingin kay Duterte

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi 'political enemy' ang tingin niya kay former President Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ‘political enemy’ ang tingin niya kay former President Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media kay Marcos sa Washington, DC, klinaro nito ang kanyang tingin kay Duterte.

“It takes two to tango. I don’t consider him a political enemy,” ayon kay Marcos.

Ito’y sa kabila ng naging pahayag ni Duterte na ituturing niya umanong kalaban si Marcos matapos suspendehin ng Pangulo si Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.

Lahad naman ni Marcos, matagal nang nai-file ang mga kaso laban kay Jubahib bago pa siya maupo sa pwesto.

“I’ll send him all of the court records and all of the discussions about that. Matagal na yan. Some of these cases were filed before I took office,” saad ng Pangulo.

“And so it’s taking close to two years because it went through the process. So I’m confident, let anybody investigate,” aniya pa.

Sinuspende ng 60 araw si Jubahib dahil sa reklamong hinain ni Board Member Orly Amit tungkol sa umano’y grave abuse of authiority ng gobernador.