Marcos hiling mabilis na paggaling ni Kate Middleton sa cancer

Pinagdarasal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paggaling ni Kate Middleton na ngayo'y kilala nang Catherine, Princess of Wales.

Pinagdarasal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paggaling ni Kate Middleton na ngayo’y kilala nang Catherine, Princess of Wales.

Sa mensahe ni Marcos sa misis ni Prince William, sinabi nito na kaisa ni Kate ang mga Pilipino sa laban nito kontra cancer.

“The Filipino people have Catherine, the Princess of Wales, in our thoughts and prayers throughout this challenging time,” ayon kay Marcos.

“We pray for her good health and continued healing, and for the strength of her family during this difficult period,” aniya pa.

Noong nagdaang linggo, inanunsyo ni Kate na siya’y nagkaroon ng cancer. Hindi na dinetalye kung anong type ng cancer mayroon ang royalty ng United Kingdom.

Nadiskubre umano na mayroong cancer si Kate nang sumalang siya sa abdominal surgery.

“The surgery was successful. However, tests after the operation found cancer had been present. My medical team therefore advised that I should undergo a course of preventative chemotherapy and I am now in the early stages of that treatment,” saad ni Kate.