Marcos gustong madaliin pagrepaso sa Rice Tarrification Law

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paspasan ang pagpasa ng panukalang mag-aamyenda sa Rice Tarrification Law (RTL).

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paspasan ang pagpasa ng panukalang mag-aamyenda sa Rice Tarrification Law (RTL).

Sa isang ambush interview ngayong Lunes, naniniwala si Marcos na mapapababa ang presyo ng bigas kung magkakaroon ng kontrol ang pamahalaan.

“Mako-control natin, meron tayong influence doon sa presyuhan sa pagbili ng palay at sa pagbenta ng bigas. So that’s what we are going to do,” saad ng pangulo.

Kaya naman, nakikita ni Marcos ang pangangailangan na gawing urgent ang pagpasa ng panukala.

“I think it justifies the urgent certification,” aniya.

Pinaliwanag pa ng pangulo ang nakikita niyang problema kaya mataas ang presyo ng bigas.

“Ang problema kasi kaya tumataas iyong presyo ng bigas, dahil ang mga trader ay nagko-compete. Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng palay at wala tayong control doon,” wika pa ni Marcos.

Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ng awtoridad ang National Food Authority na direktang magbenta ng bigas sa merkado.