Marcos, FL Liza nag-mukbang ng Jollibee!

Natakam sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pagkain ng isa sa pinakasikat na fastfood chain sa bansa.

Natakam sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pagkain ng isa sa pinakasikat na fastfood chain sa bansa.

Binahagi ni PBBM ang larawan ng dinner nila ni FL Liza, kung saan makikita ang Chickenjoy, palabok at burger mula sa Jollibee.

Ayon kay Marcos, na-inspire sila na kumain ulit ng pagkain mula sa Jollibee dahil kay New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.

“The recent stop of PM Luxon of New Zealand to Jollibee reminded me how long its been since we’ve eaten there so . . . the FL Liza and I are having a delicious Jollibee dinner tonight,” ayon kay Marcos.

“My nutritionist is unhappy with me so I told her to direct her concerns to PM Luxon,” hirit pa ng Pangulo.