Marcos: E-visa processing ng Indian nationals, padiliin!

Pinarerepaso ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang e-Visa system para sa mga Indian nationals.

Pinarerepaso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang e-Visa system para sa mga Indian nationals.

Nais ni Pangulong Marcos na gawing madali ang proseso ng e-Visa para makatulong na mapalakas ang turismo sa bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa ika-anim na Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

“We don’t have any such issues [with India]. So, I’m sure we can use their system,” ani Marcos.

Sa kasalukuyang e-Visa system, obligado ang mga Indian nationals na magkaroon ng personal appearance sa Philippine Embassy sa New Delhi.

Inirekomenda naman ni Lucio Tan III, LT Group president at chief executive officer at miyembro ng PSAC- TSG na magkaroon na lamang ng third party service provider para magpatakbo sa e-Visa system.

Ayon sa PSAC, ang Indian nationals ay “repeat travelers” ng bansa at malaki ang ambag sa turismo.