Marcos ‘di isusuko si Duterte sa ICC

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya susundin ang International Criminal Court (ICC) sakaling maglabas ito ng arrest warrant laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya susundin ang International Criminal Court (ICC) sakaling maglabas ito ng arrest warrant laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Marcos, walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas kaya’t hindi niya susundin ang ano mang ipaguutos nito.

“We don’t recognize the warrant…That’s a no,” saad ni Marcos.

Si Duterte pa ang pangulo nang kumalas ang bansa sa ICC noong 2018. Kasabay ito ng pagiimbestiga ng naturang korte sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.

Giit pa ni Marcos, makikialam lang dapat ang ICC sa mga bansang hindi maayos ang justice system.

“We are well within international law when we take the position of not recognizing the jurisdiction of ICC in the Philippines,” aniya.

Sa tala ng ICC, umabot sa mula 12,000 hanggang 30,000 ang napatay sa giyera konra droga ng Duterte administration mula 2016 hanggang 2019.