Marcos: China pinapalala tensyon sa WPS!

Isa sa mga nagpapalala umano ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ay ang bagong patakaran ng China na hulihin ang mga umano'y "trespassers" sa South China Sea, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Isa sa mga nagpapalala umano ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ay ang bagong patakaran ng China na hulihin ang mga umano’y “trespassers” sa South China Sea, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos ipag-utos ng China sa sarili nitong Coast Guard na hulihin nang hanggang 60 araw na walang paglilitis ang mga dayuhang trespassers na tatawid sa South China Sea.

Sinabi ng Pangulo na ang patakaran na ito ay maituturing na nakababahala sapagkat banta ito sa kapayapaan sa karagatan.

“The new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. So, yes, it is now very worrisome,” ani Pangulo.

Samantala, matatandaang noong Mayo 19, ipinangako ni Pangulong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maprotektahan ang mga Pilipinong mandaragat.