Marcos binigyang-pugay mga solo parent ngayong Mother’s Day

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambihirang papel na ginagawa ng mga solo parent para sa kanilang anak.

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambihirang papel na ginagawa ng mga solo parent para sa kanilang anak.

Sa mensahe ni Marcos ngayong Mother’s Day, pinunto nito ang sakripisyo na ginagawa ng mga single mom at mga tatay na tumatayo rin bilang ina sa kanilang mga anak.

“Sa ating mga kahanga-hangang ina, mga single mom, mga tatay na ginagampanan ang papel ng ina, at sa bawat isa na tumatayong ina, nais kong iparating na ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay, at nagpapatibay sa ating lipunan,” wika ni Marcos.

“Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo. Happy Mother’s Day!” pagbati pa ng Pangulo.

Ngayong May 12 pinagdiriwang ang Mother’s Day. Ginagawa ito tuwing ikalawang Linggo ng Mayo.