Marcos binasura dagdag multa sa illegal parking

Hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Metro Manila Council na taasan ang multa para sa mga motoristang paparada sa mga ipinagbabawal na lugar.

Hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Metro Manila Council na taasan ang multa para sa mga motoristang paparada sa mga ipinagbabawal na lugar.

Sa naturang panukala, ang multa sa ilegal parking ay papalo nang mula P1,000 hanggang P4,000. Sa umiiral na batas, P1,000 lang ang parusa para sa naturang paglabag.

Ayon kay Marcos, mas mahalaga sa kanya ang disiplina kaysa parusa.

“Para patuloy ang magandang serbisyo ng ating pamahalaan ay hindi ko pinayagan ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na tataasan ang multa para sa mga illegal parking mula sa isang libong piso na hanggang apat na libong piso; maiiwan na sa isang libong piso lamang,” pahayag ng pangulo sa isang video.

“While I understand the intention behind the proposal, I’ve decided to prioritize discipline over penalties. Ang Bagong Pilipino ay disiplinado. By focusing on individual responsibility, we can create long-lasting solutions to our traffic challenge,” dagdag pa niya.

Nitong Marso, binusura ng Supreme Court ang ordinansa ng 14 na LGU sa Metro Manila hinggil sa batas trapiko. Paliwanag ng korte, ang Metro Manila Development Authority lamang ang may kapangyarihang maglabas ng ordinansa hinggil sa batas trapiko sa buong rehiyon.