Marcos aprub na isali Australia sa ASEAN

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maging bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang bansang Australia.

Ito’y kasunod ng suhestiyon ni Malaysian Prime Minister Anward Ebrahim na payagan ang Australia na maging parte ng samahan ng mga bansa sa Southeast Asia.

“Well, I cannot see why that would not be a good idea. Australia has already been a very active part of ASEAN,” wika ni Marcos.

“And for all intents and purposes, really, in all but name, they are already members of ASEAN. Yes, I think they would be very welcome to join ASEAN,” aniya pa.

Isinagawa ang ASEAN Special Summit sa Australia kung saan dumalo si PBBM.

Samantala, nakauwi na ang Pangulo sa Pilipinas nitong Miyerkules ng gabi.