Marcos: 8% GDP growth kaya makamit

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang makuha ng bansa ang 8% na gross domestic product (GDP) growth rate sa kanyang termino.

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kayang makuha ng bansa ang 8% na gross domestic product (GDP) growth rate sa kanyang termino.

Ayon sa pangulo, ang mga plano at programa ng kanyang administrasyon ay binuo nila upang makamit ang magagandang resulta na magbabago sa ekonomiya ng bansa.

“Sure, why not? You know, we always plan for the idea, we don’t plan for a mediocre result, we plan for a very good result and as I said, we just have to adjust along the way as we continue to transform the economy. I think it is doable,” wika ni Marcos sa panayam ng Bloomberg ngayong Miyerkoles.

Batid rin ni Marcos na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation ang pangunahing problema ng ekonomiya ng bansa.

”We’re still battling inflation. Inflation is still our biggest problem. And when you, when you separate core inflation to inflation that involves agri product, for example, you can see that the core inflation, we’re doing rather well in terms of controlling it. But again, these shocks that keep coming in,” paliwanag niya.

Nitong nakaraang taon, pumalo sa P24 trilyon ang kabuuang ekonomiya ng Pilipinas. Nagtala ito ng GDP growth na 5.6 percent.