Marcoleta, Lagman nagsabong sa divorce bill

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta at Albay Rep. Edcel Lagman matapos buksan ang diskusyon para sa panukalang Absolute Divorce bill.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta at Albay Rep. Edcel Lagman matapos buksan ang diskusyon para sa panukalang Absolute Divorce bill.

Sa ginanap na sesyon ng plenaryo, napag-usapan ang House Bill 9349, kung saan si Lagman ang siyang sponsor.

Ayon kay Marcoleta, gaya ng nasasaad sa Bibliya, ang mag-asawa ay hindi dapat umano paghiwalayin at panghawakan ang pangakong “till death do us part.”

Subalit ayon kay Lagman, wala naman umano sa Bibilya ang naturang pangako.

“Itong ‘till death do us part’, eh wala naman ito sa Bibliya. And I would challenge the distinguished Marcoleta to point to the Bible whether there is such a term there or a phrase there…wala po,” saad ni Lagman.

Sagot ni Marcoleta, sa oras na mapatunayang nasa bibilya ito ay dapat umatras si Lagman bilang sponsor ng panukala.

“I’m citing 1st Corinthians, Chapter 7, Verse 39, which reads, and I quote, ‘A woman is obligated to stay in her marriage as long as her husband is alive. But if her husband dies, she’s free to marry whomever she wants, only it should be believer in the Lord. So, till death to us part talaga. Kailangang mamatay po yung isa, para lang makapag-asawa ka pa ng iba,” pahayag nito.

Subalit, giit ni Lagman, hindi pa rin naman nabanggit ang salitang “till death do us part” sa binigay na bible verse ni Marcoleta.