Marco Gumabao tatakbong congressman sa CamSur?

Nilantad ni showbiz insider Ogie Diaz na kakandidato umanong congressman si Marco Gumabao sa district 4 ng Camarines Sur.

Nilantad ni showbiz insider Ogie Diaz na kakandidato umanong congressman si Marco Gumabao sa district 4 ng Camarines Sur.

Ayon kay Ogie sa latest episode ng “Showbiz Updates”, madalas daw nagbabahay-bahay at pumupunta sa mga barangay sa nasabing lugar si Marco.

“Confirm nang tatakbo bilang congressman sa district 4 sa CamSur ang gwapong aktor. Itago natin siya sa pangalang Marco. Kasi nga madalas siyang bumababa-baba sa mga barangay,” sabi ni Ogie.

“Taga-roon din naman ang mga Imperial, ang mga Gumabao. Si Marco Gumabao. Siya ay nagbababa na doon. Noon pa naman,” dagdag niya.

Saad pa ni Ogie, matagal ng pangarap ni Marco na maging isang public servant.

“Kasi ang alam kong dating kuwento ni Marco sa akin, noon pa niya pangarap na maging isang public servant,” aniya.