Marbil itinalagang bagong PNP chief

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PBGen. Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PBGen. Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Si Marbil ay papalit kay Police General Benjamin Acorda Jr, na isinagawa ang retirement honors nitong Lunes, April 1.

Tinunghayan ni Marcos ang retirement honors at PNP change of command ceremony kung saan dun din inanunsyo ang pag-upo ni Marbil bilang ika-30 PNP chief.

Si Marbil ay nagsilbing officer-in-charge ng PNP Directorate for Comptrollership.

Siya rin ay naging police director ng PNP Regional Office 8.

Matatandaan na unang inanunsyo ng Department of Interior and Local Government na si Pol. Lt. Gen. Emmanuel Peralta ang magsisilbing officer-in-charge ng PNP, ngunit hindi na ito matutuloy dahil sa pagkakatalaga ni Marbil bilang opisyal na PNP chief.