Maraming palusot! Marcos windang na sa ‘gentleman’s deal’

Nalilito na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paiba-ibang pahayag ng mga dating miyembro ng Duterte administration tungkol sa 'gentleman's agreement'

Nalilito na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paiba-ibang pahayag ng mga dating miyembro ng Duterte administration tungkol sa ‘gentleman’s agreement’.

“These are very simple questions, but I’m finding a deal of difficulty finding answers because I hear one thing, and another thing, and another thing… Maraming palusot, in other words,” saad ni Marcos sa gitna ng Presidential Forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Ang dalawang dating tagapagsalita ni ex-president Rodrigo Duterte ay magkaiba ang pahayag tungkol sa naturang kasunduan. Si Atty. Harry Roque ang nagbunyag tungkol sa gentleman’s agreement habang itinanggi naman ni Atty. Sal Panelo na may kasunduan sa pagitan ni Duterte at ng China.

Sa kabila ng iba’t-ibang pahayag ng mga dating tauhan ni Duterte, kumbinsido si Marcos na nagkaroon nga ng kasunduan.

“I think by now we can see in fact that there was a secret agreement and what verifies that and what I think for me, at least convinced me, that there was in fact a secret agreement is the insistence of the Chinese government that there was a secret agreement,” anang pangulo.

“I don’t think the Chinese government, I don’t think Beijing will just make up and just out of nowhere say there was a secret agreement when there is no such thing. So, I think, to my mind, that is sufficient to prove to me that there was such an agreement,” dagdag pa niya.

Ang layunin ngayon ni Marcos ay alamin muna ang kabuuang detalye ng kasunduan bago gumawa ng hakbang.