Marami pang mas importanteng bagay: Pagsapi muli ng Pilipinas sa ICC, hindi pa uli tinatalakay nina PBBM, Remulla—Justice dept. spox

Nauna nang sinabi ng pangulo na hindi na kailangang mangialam ng ICC dahil may working justice system naman ang bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Justice (DOJ).

Hindi pa natatalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga isyu tungkol sa International Criminal Court (ICC).

“I don’t believe that the Secretary and the President have spoken yet,” saad ni DOJ spokesperson Mico Clavano sa isang press briefing sa Palasyo. “With the new news coming out, they haven’t talked maybe for about a week about the issue.”

Sa kasalukuyan ay may dalawang House panel na ang nag-adopt ng resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na makipagtulungan sa ICC.

BASAHIN RIN: ‘We will follow’: Desisyon ni PBBM sa ICC ang susundin ng Kamara—Romualdez

Gayunpaman, sinabi ni Clavano na nagkausap na si Marcos at Remulla tungkol sa imbestigasyon ng ICC sa mga crimes against humanity diumano ng nakaraang administrasyon dahil sa war on drugs nito.

“It’s something that is way above my pay level so I believe it’s something that has to be discussed between the Secretary and the President,” aniya.

Nauna nang sinabi ng pangulo na hindi na kailangang mangialam ng ICC dahil may working justice system naman ang bansa.