Manyak na kelot, humagulgol nang makorner sa motel sa CamSur

Arestado ang isang lalaki matapos nitong takutin ang isang 19-anyos na babae na ilalabas ang isang maselang video kapag hindi ito nakipagtalik sa kanya.

Base sa report ng ‘Balitang Bicolandia’, dinakip ang isang 26-anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng ‘sextortion’
.
Nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad para makorner ang lalaki sa isang motel sa Naga, Camarines Sur.

Batay sa mga awtoridad, ang video na ginagawang panakot ng suspek ay kinunan na walang muwang ang biktimang babae.

Nang dadakpin na ang suspek, bigla na lang itong humiga at humagulgol nang siya’y aktong poposasan na.

Bukod sa sextortion ay kakasuhan din ang suspek ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Safe Spaces Act at grave threat.